Nagpaabot ng madamdaming mensahe ang TV host-actress na si Jolina Magdangal para sa newly wed couple na sina Carlo Aquino at Charlie Dizon.

Sa latest Instagram post ni Jolina nitong Linggo, Hunyo 9, sinabi niya na isa raw siya sa nag-manifest para sa forever ng dalawang bagong kasal.

“Sabi ni April [Charlie] sa vows niya totoo daw pala ang manifesting. Gusto ko lang i-share na isa ako sa nag-manifest para sa forever n’yo,” saad ni Jolina.

“At ‘yong mga sinabi ni Kaloi sa vows naman niya kung paano nya iingatan, aalagaan, at mamahalin si April, alam na alam ko na puso n’ya ang nagsasalita. Thankful ako na nawitness ko ang kanilang pag-iisang dibdib,” aniya. 

Events

Kylie Padilla, masaya kahit walang ka-date sa GMA Gala 2024

Binanggit din ni Jolina sa isang bahagi ng post kung ano-ano ang magagandang katangian ni Carlo na bata pa lang ang huli ay alam na niya. 

“Kaloi, bilang bata ka pa magkakilala na tayo, alam ko kung gaano ka kabait na anak at mapagmahal sa family mo. Sobrang happy ko talaga para sayo,” sabi niya.

Para naman kay Charlie: “Mula no’ng malaman ko na mag-sister tayo kay Nanay Nenet, nasundan na kita and ina-admire talaga kita sa galing mo sa craft mo pero higit sa lahat, sa pagka-humble mo.”

“Congratulations and best wishes!!!♥️♥️♥️” pagbati ni Jolina.

Matatandaang ginanap ang secret wedding nina Carlo at Charlie sa isang private resort sa Silang, Cavite noong Linggo, Hunyo 9.

MAKI-BALITA: Charlie Dizon, Carlo Aquino ikinasal na!