“May ganito pala sa totoong buhay?”

Tila mala-pelikula raw ang nangyari sa isang kasalan sa Davao Oriental nang biglang umeksena ang isang babae sa loob ng simbahan at nagsisigaw ng: “Itigil ang kasal.”

Base sa video ng TikTok user na si “Japs,” inihayag niyang nangyari ang kasal sa isang parish church sa Lupon, Davao Oriental.

Makikita sa video ang biglang pag-entrada ng isang babae sa simbahan habang sumisigaw ito ng “Itigil ang kasal” at saka nagwala.

Human-Interest

Vice Ganda, inalis kaniyang wig para sa 'EXpecially For You' contestant na may alopecia

Pagdating sa gitnang bahagi ng parish church ay hinimatay ang babae, kaya’t binuhat na ito palabas ng simbahan.

Habang isinusulat ito’y umabot na sa mahigit 9 million views at 218,800 likes ang naturang TikTok post.

Samantala, matapos mag-viral ng video, naglabas ng pahayag ang bride at sinabing hindi raw nila kilala ang babae.

Masasabi rin umano nilang mukhang “mentally challenged” ito o wala sa katinuan.

Bukod dito, patapos na raw ang kanilang kasal noong Hunyo 8 at nasa pictorial session na sila bago pa ang naturang pag-eksena ng babae.