Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang probinsya ng Davao Occidental nitong Lunes ng umaga, Hunyo 10, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:44 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 194 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental, na may lalim na 67 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Sen. Bato sa impeachment complaint vs VP Sara: ‘If they want to do it, then go ahead!’

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.