Tagumpay na pumasa ang 63.63% examinees sa June 2024 Physical Therapists Licensure Examination, ayon sa Professional Regulation Commission (PRC) nitong Lunes, Hunyo 10.

Base sa tala ng PRC, 516 sa 811 examinees ang pumasa sa pagsusulit.

Tinanghal naman bilang topnotcher si Michael Raymar Andrada Nivera mula sa Remedios T. Romualdez Medical Foundation matapos siyang makakuha ng 91.95% score.

Samantala, kinilala ang Remedios T. Romualdez Medical Foundation bilang top-performing school matapos itong makakuha ng 96.55% passing rate.

National

VP Sara, kinumpirma pag-relieve ng 75 personnel na itinalaga para sa proteksyon niya

Binigay umano ng Board of Chemical Engineering ang naturang pagsusulit sa mga testing center sa Metro Manila, Baguio, Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Pampanga and Rosales nitong Hunyo 5 hanggang 6, 2024.