Inamin ng Kapuso actress na si Sanya Lopez na nagkaroon daw siya dati ng isang stalker na panay ang sunod sa kaniya sa mga lugar na pinupuntahan niya.

Sa ulat ng GMA Integrated News nitong Biyernes, Hunyo 8, ikinuwento ni Sanya kung paano siya nakaramdam ng takot dahil sa naturang stalker.

"Nakakatakot siya kasi may moment na hindi ko alam kung nanghuhula lang ba o ang galing niya. 'Nandito ka, 'no?' Parang may ganon," saad ni Sanya.

Dagdag pa niya: "Nakakatakot lang kasi, chat lang naman siya though. 'May camera ba dito?' Nakakapraning din minsan na kunwari nasa labas ako, alam niyang 'nandito ka pala?'"

Relasyon at Hiwalayan

'My truth!' Jam Villanueva, may pasabog laban kina Maris Racal, ex-jowang si Anthony Jennings

Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Sanya na hindi raw siya sumubok gumamit ng dating app dahil bukod sa natatakot, aminado rin na ‘makalumang tao’ siya.

“[I didn't try] din siguro dahil makalumang tao nga ako, gusto ko pinupuntahan pa ako sa bahay, may dalang flowers," wika niya.

Kaya naman, hindi nakapagtataka na hanggang ngayon ay no boyfriend since birth pa rin ang aktres.