Nakatanggap ng funding support mula sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang pelikulang “Quezon” ng direktor na si Jerrold Tarog. 

Sa Facebook post kasi ng FDCP kamakailan, inanunsiyo nila na kabilang umano ang naturang pelikula sa napiling bigyan ng “large budget production fund” bilang bahagi ng funding program na CreatePHFilms Cycle 1 of  2024.

Matatandaang noong 2021 sa pamamagitan ng isang social media post ay ibinahagi ni Jerrold na tapos na umano nilang sulatin ng playwright at screenwriter na si Rody Vera ang script ng “Quezon.”

Nakasentro ang kuwento ng pelikula sa buhay ni dating Pangulong Manuel Quezon. Ito ang  third installment para sa historical trilogy ng TBA Stuio na nasa likod ng mga pelikulang “Heneral Luna” (2015) at “Goyo” (2018).

Pelikula

Julia Montes, dinaig sa bakbakan si Coco Martin

Samantala, muli namang magbabalik sina TJ Trinidad at Benjamin Alves para gampanan ang karakter ni Quezon sa pelikula. Nauna nang naitampok ang karakter nila bilang cameo sa “Heneral Luna” at “Goyo.”