Ibinahagi ng bagong momshie na si Maja Salvador ang kaniyang journey sa panganganak sa firstborn nila ng mister na si Rambo Núñez.

Batay sa Instagram post ni Maja, hindi naging madali ang kaniyang labor, na tumagal ng 30 oras o mahigit sa isang araw. Bukod dito, nakaranas pa siya ng "uterus inversion" na nagpababa sa kaniyang blood pressure kaya kamuntikan na siyang dalhin sa emergency room para sa isang surgery.

"Exactly a week ago…

I experienced an intense 30-hour labor, 12 hours without epidural, 3 hours of pushing. Then ended up having episiotomy and forceps. 2 contractions and 7 pushes later, we finally welcomed our baby Maria.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Immediately had 10 minutes of skin-to-skin contact with her, but biglang nagka emergency... I had uterine inversion. Kaya kinailangan nilang kunin sakin si Maria at binigay nila kay Rambo who was seated helplessly next to my bed.

3 OB GYN were there trying to put back my uterus manually which led to blood loss of 3 to 4 liters, then my blood pressure went down to 60/40, sinabihan na lang ako ng Doula ko na anytime I would have to go to the operating room for surgery."

Habang nangyayari daw ito ay nagdarasal na si Maja at tila ipinagpasa-Diyos na ang lahat.

"That time sabi ko nalang sa sarili ko na I can’t do anything anymore... ubos na ubos na lakas ko... I started praying Hail Mary... paulit ulit kahit wala na akong lakas. And miraculously, after their last attempt, one of the OB GYN succeeded in repositioning my uterus. AMEN!!!!"

Kaya naman pinasalamatan ni Maja ang lahat ng medical personnel na talaga namang nagbigay ng pagkalinga at pagsuporta sa kaniya sa panahon ng kaniyang panganganak.

"Despite the challenging journey, gusto kong i-express ang gratitude ko to all the medical personnel na nandun nun, especially to the filipino nurses who provided unwavering care and support.

Ate Vanessa, Angela, Ate Gloria, Ate Christina and Ate Beverly, Thank you 🩷

To My Doula Grace, thank you for everything. You did your part beyond your job. You’re amazing! 🩷🙏

Recovering now...

Ang swerte kong kasama ko ang pamilya ko dito sa Canada.

Love you Mama, Kirby, Martin and Mom!

See you soon Ate Yans, Kuya and Big Babies.

Thank you also Dinahbabes and Yaya Lyn 🩷

To My Husband, I LOVE YOU 🩷

To My Maria, EVERYTHING IS WORTH IT! I LOVE YOU ANAK 🩷"

View this post on Instagram

A post shared by MAJA SALVADOR (@maja)

Mayo 31 nang i-anunsyo ni Maja sa kaniyang IG post ang pagsilang sa panganay nila ni Rambo na si Maria.

View this post on Instagram

A post shared by MAJA SALVADOR (@maja)