Natapos na ang 13 taong paghihintay ni Kapamilya star Jodi Sta. Maria na mapawalang-bisa ang kasal nila ng dating asawang si Panfilo Lacson, Jr.

Sa latest Instagram post ni Jodi nitong Linggo, Hunyo 9, sinabi ni Jodi na ipinagkaloob na raw ng Korte Suprema ang ipintesyon niya noong “nullity of marriage.”

“Finally after 13 years of waiting, my petition for nullity of marriage has been granted by the Supreme Court,” saad ni Jodi.

“It was indeed a test of faith and trust -- FAITH in God’s promises and TRUST in God’s timing. The time I spent in His waiting room was never easy nor was it comfortable. It was frustrating, discouraging, and even heartbreaking. I cried, prayed, questioned and complained. I made ‘tampo,’ asked for forgiveness, prayed some more. I wanted to give up but He never let go of me,” sulat niya.

Relasyon at Hiwalayan

John Estrada, nilinaw na wala siyang relasyon kay Lily Hallman

Dagdag pa niya: “Looking back it was His grace that sustained and carried me. He had a purpose for the waiting. And that was made clear to me by the Lord.”

Sa huli, nagpaabot si Jodi ng pasasalamat para sa mga taong nakasama niya sa journey na ito ng kaniyang buhay.

Matatandaang ikinasal si Jodi kay Panfilo noong 2005 at nagkahiwalay noong 2011. Gayunman, nagkaroon naman sila ng isang supling na si Thirdy.