Tila naloka ang singer, songwriter, at actor na si JK Labajo matapos niyang maispatan ang isang billboard sa Metro Manila. 

Sa latest Facebook post  ni JK nitong Sabado, Hunyo 8, makikita ang larawan ng billboard kung saan tampok ang isa sa mga Facebook status niya.

“Panahon na ng self-love mga bhie,” sabi ni JK sa naturang FB status na nakalagay sa billboard.

Sey niya tuloy: “Sinong taga-Metro East nagpa-billboard ng mga facebook status ko? Umamin na kayo hahaha.”

Riggghhhooouuurrr! Sino-sino nga ba ang mga babaeng na-link kay John Estrada?

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post ni JK. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“Hoy grabe to hahaha”

“Hahaha para daw matauhan kana 🤣🤣🤣”

"HAHAHAHAHAHAHA LARO😭"

"Pagalitan mo. di pa nagreact HAHAHA"

“Ako po sorry na”

“HMMMM SINO KAYA AHHAHAHAAHAHAHAHAHAH”

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa mahigit 32k reactions at 2k shares ang naturang post ni JK.