Willing daw makipagtrabahong muli si Kapamilya actor Gerald Anderson sa mga dati niyang jowa.

Sa latest episode kasi ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila kamakailan, naitanong niya kay Gerald ang tungkol sa naturang bagay.

“Can you work with any of your exes?” usisa ni Karen.

Natawa muna si Gerald bago sumagot: “Grabe naman, of course. Sino ba naman ako para hindi.” 

Relasyon at Hiwalayan

Michelle Madrigal, ikinasal na sa jowang afam

“Cut, cut” biro pa niya.

Ilan sa mga naging karelasyon ni Gerald ay sina Kim Chiu, Maja Salvador, at Bea Alonzo. Naiulat din ang tungkol sa panliligaw ni Gerald kay Sarah Geronimo at pakikipag-date niya kay Pia Wurtzbach.

Kaya naman, hindi nakapagtataka na magkaroon ng umano’y ‘biggest misconception’ kay Gerald bilang isang heartbreaker.

MAKI-BALITA: Gerald, nag-react sa biggest misconception na ‘heartbreaker’ siya

Matatandaang sa isang panayam ng ex-jowa niyang si Bea Alonzo sa Fast Talk with Boy Abunda noong Enero 2023 ay isiniwalat nitong ghinost siya ni Gerald.