Dadalo ang patok na P-pop girl group na BINI sa gaganaping Musikalayaan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa darating na Miyerkules, Hunyo 12.

Sa Facebook post ng Presidential Communications Office nitong Sabado, Hunyo 8, inanunsiyo nila ang detalye sa naturang pagtitipon.

"Salamin, salamin sa dingding, pwede mo bang sabihin . . .  na ang BINI ay mapapanood ng live at libre sa Quirino Grandstand sa June 12, 2024 (7:00 PM) kasabay ng pagdiriwang ng 126th Philippine Independence pagkatapos ng Parada ng Kalayaan,” saad sa caption ng post.

Dagdag pa nila: "Ipagdiwang natin ang kalayaang pinaglaban ng ating mga bayani na hanggang sa ngayon ay ating tinatamasa. Ipagdiwang natin ito kasama ang BINI!”

Events

Blooms, excited na sa world tour ng BINI sa 2025

Bukod dito, makakasama rin ng BINI na magtanghal ang mga sumusunod na artist: Bagitos, Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa ROTC Silent Drillers, Douglas Nierras Powerdance, Manila Skate Dance, Sinulog Sa Carmen Cultural Troupe at Mindanao State University Darangan Cultural Dance Troupe. Kasama sila MC Leandro, Desylyn Enano, Florante, Garrett Bolden, at Molly Langley.

Samantala, sa Hunyo 11 naman—bago ang Araw ng Kalayaan—ay mapapanood sina Bea Sacramento, Princess Vire, Chloe Redondo, Plethoora, at ang The Juans.