Nagtataka raw ang comedy queen na si Ai Ai Delas matapos umanong makarating sa kaniya ang balitang gusto raw ipabura ng isang taga-Star Cinema ang news article tungkol sa ‘Tanging Ina’ reunion.

Sa latest Facebook post ni Ai Ai nitong Sabado, Hunyo 8, matutunghayan ang reaksiyon ni Ai Ai sa pamamagitan ng isang video clip. 

Ayon sa comedy queen: “May nakarating kasi sa akin na balita na isa raw sa Star Cinema ang gustong ipa-down ‘yong news regarding do’n sa Star Cinema na ‘Tanging Ina’ chuchu.”

“Ako ang dating sa akin, parang na-off ako. Saka parang nagtataka ako, naloloka ako. Bakit parang may pa-down na datingan na gano’n?” aniya.

Tsika at Intriga

Andrea Brillantes, wapakels sa mga pumupuna sa braso niya

Nilinaw din ni Ai Ai na totoo raw ang mga nakasaad sa ulat ng nasabing news article. Nakausap niya raw mismo si Roxy Liquigan bagama’t inamin niya na hindi umano niya alam kung bahagi pa rin ito ng Star Cinema. 

“Bakit kailangan n’yong i-down ‘yong news? Una, masama bang magtanong kay Roxy [Liquigan]? E, totoo namang nagtanong ako. Ang tanong ko: magkano ba ‘yong gano’n para in case? Tapos sinong pwedeng maging director in case?’ Anong masama do’n?” saad ni Ai Ai.

“Alangan namang magtanong ako sa Regal, sa Viva, o kaya sa Seiko Films. E, ang Star Cinema naman ang gumawa ng ‘Tanging Ina’. Saka ako naman ang ‘Tanging Ina’ do’n ‘di ba?” dugtong pa niya.

Kaya in-assume daw ni Ai Ai na baka ayaw umanong ma-associate ng Star Cinema sa kaniya.

Dagdag pa ni Ai Ai: “Talagang sobrang nakapagtataka. Minamaliit n’yo ako, gano’n? O, bakit? E, talagang wala naman tayong magagawa ako naman ‘yong naging ‘Tanging Ina’ ‘di ba?”

Matatandaang inilathala ng ABS-CBN ang naturang artikulo sa kanilang website noong Huwebes, Hunyo 6, kung saan naiulat na nakipag-ugnayan umano si Ai Ai sa Star Cinema para sa bagong installment ng naturang pelikula.

MAKI-BALITA: Ai Ai Delas Alas, pinaplano ang ‘Tanging Ina’ reunion