Ibinahagi ni comedy queen Ai Ai Delas Alas ang dahilan kung bakit gusto niyang magkaroon pa ng “Tanging Ina” reunion.

Sa latest Facebook post ni Ai Ai noong Sabado, Hunyo 8, matutunghayan ang video kung saan niya sinabi na gusto raw niyang bumalik sa pelikula si Jiro.

Ayon sa comedy queen: “[...] Dream kong gawin ‘yong ‘Tanging Ina: The Reunion.’ Kasi bakit ko ba naisip ‘yon? Dahil parang minsan sa TikTok nakita ko si Xyriel na dalagang-dalaga na ‘yong bata. 

“And of course, si Jiro ‘di ba? Gusto kong magkaroon ulit siya ng movie. E, kasama naman siya do’n sa Star Cinema,” dugtong pa niya.

Pelikula

Jane De Leon, Janella Salvador may nilulutong proyekto?

Kaya naman, nagtataka raw si Ai Ai nang mabalitaan niyang may taga-Star Cinema umanong gustong ipa-take down ang news article kung saan naiulat na nakipag-ugnayan umano si Ai Ai sa Star Cinema para sa bagong installment ng naturang pelikula.

MAKI-BALITA: Ai Ai, pumalag: Balita tungkol sa ‘Tanging Ina’ reunion, pinapabura ng taga-Star Cinema?

Matatandaang umalingawngaw muli ang pangalan ni Jiro matapos niyang lapitan ang social media personality na si Boss Toyo noong Enero para ipagbili ang natanggap niyang trophy sa prestihiyosong Gawad Urian dahil sa hirap daw ng buhay.

MAKI-BALITA: Jiro Manio no choice na, ibinenta Urian trophy dahil sa hirap ng buhay