Isang magnitude 4.5 na lindol ang tumama sa probinsya ng Surigao del Sur nitong Linggo ng madaling araw, Hunyo 9, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 12:09 ng madaling araw.

Namataan ang epicenter nito 75 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Marihatag, Surigao del Sur, na may lalim na 4 kilometro.

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

National

Padilla, Zubiri, pinaiimbestigahan status ng implementasyon ng amnesty proclamations ni PBBM

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.