Nagbigay ng pahayag ang Department of Education (DepEd) kaugnay sa viral video ng mga estudayanteng sumasayaw ng mga patok na step sa TikTok pagkatapos makuha ang kanilang diploma sa isinawagang graduation ceremony.

Sa ulat ng GMA Integrated News nitong Biyernes, Hunyo 7, sinabi ng DepEd na bagama’t kinikilala umano nila ang kalayaan ng mga estudyante na makapaghayag ng sarili, dapat pa rin umanong idaos ang mga pormal na pagdiriwang tulad ng graduation nang may solemnidad.

“They should be conducted in a solemn manner. So definitely ‘yong twerking or dancing upon the receipt of the diploma does not fall in the category of celebrating its solemnity,” pahayag ni DepEd Assistant Secretary for Operations Francis Bringas. 

Dagdag pa niya: “In fact, kung dalawa o tatlo ang mga sumasayaw they should be more sensitive that there are more parents that would want the ceremony to remain solemn.” 

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan na umano ng DepEd kung kailan kinunan ang naturang viral video. Bukod dito, inabisuhan na rin umano ng ahensya ang publiko hinggil sa pagpapanatili ng solemnidad sa graduation ceremony.