Naglabas na ng pahayag ang dating Hashtag member at aktor na si Nikko Natividad patungkol sa pinag-usapan at buradong Facebook posts na pasaring daw kay Vice Ganda, kaugnay sa isyu ng paninita niya sa searchee ng EXpecially For You."

Pinaninindigan ni Nikko ang kaniyang mga naging pahayag at kaya lang daw nabura ay dahil sa "management decision."

"For the last time na magsasalita ako tungkol sa nakaraan kong post. Unang una sa lahat hindi ako nagsisisi na nagsalita ako ng sarili kong saloobin. Hindi ako nagsisisi na ipagtanggol ang ibang tao. Nababasa ko mga komento nyo saken at ang gusto nyo mawalan ako ng trabaho dahil lang sa naglabas ako ng sarili kong saloobin. (Na alam ko na posibleng mangyari)..." saad niya.

MAKI-BALITA: Nikko nagsalita na sa isyu ng pasaring kay Vice Ganda: ‘Hindi ako nagsisisi!’

Tsika at Intriga

RR Enriquez, di kilala ang BINI pero 'wag daw pakialaman ang face mask nila

Nilinaw ng dating Hashtag member at aktor na kaya siya naglabas ng saloobin patungkol sa isyu ng paninita ni Vice Ganda sa isang lalaking searchee ay dahil sa pagnanais niyang "may maayos o mabagong sitwasyon" at hindi para makisawsaw lamang.

Sa kaniyang opisyal na Instagram post ay nagsalita at nagpaliwanag na si Nikko tungkol sa isyu.

Ayon kay Nikko, hindi siya nagsisisi sa paglalabas ng kaniyang saloobin tungkol sa isyu. Hindi rin daw siya nagsisising ipinagtanggol niya ang ibang tao, kahit na posible raw siyang mawalan ng trabaho.

MAKI-BALITA: Close sina Vice Ganda, Coco: Nikko, baka raw ‘katapusan’ na sa Batang Quiapo

Hindi raw niya intensiyong manguha ng simpatya o makisawsaw sa gulo. Naglabas daw siya ng saloobin dahil baka-sakaling makatulong daw na mabago ang sitwasyon.

"Kung ikekwento ko ba pinagdaanan at iniyak ko sa kanila magbabago ba tingin nyo sakin? Pero hindi naman yun ang intensyon ko na kumuha ng simpatya o makisali lang sa gulo. Naglabas ako ng saloobin ko dahil baka sakaling makatulong na may maayos o mabago na sitwasyon. Kasi ganun naman ang pamilya at kaibigan. Tatapikin ka kapag alam mong sumosobra o medyo nagkakamali na..." aniya.

MAKI-BALITA: Nikko sa posts niya: ‘Baka sakaling makatulong na may maayos, mabago na sitwasyon!’

"Hindi po ako naghahanap ng kaaway, ang pagkakabura po ng post ko ay management decision, tunay at bukas sa isip at puso ko ang sinabi ko, payapa ang aking kalooban."

Hindi nakasara o limitado ang puwedeng magkomento sa post kaya dumagsa ang mga komento tungkol dito.

Masasakit ang mga salitang binitiwan ng ilan para kay Nikko, na umiikot sa tinatawag na "utang na loob."

"Hindi masama magbigay ng opinion ang masama ang hindi pag tanaw ng utang na loob, pag tanaw ng utang na loon dun sa taong nagbigay daan para makilala ka! Na nagpapakain sa pamilya mo at tumulong umangat buhay mo! Vice is vice kahit ano pa man nagawa nyang mali mas madami pa din syang nagawang mabuti hindi lang sayo but sa madaming tao. Minsan kailangan mo balansehen ang sitwasyon! People nowadays are much into clout chasing at nakakasuka sila sa totoo lang. don’t be one of them. Parang nung nakaraan interview mo kay ogie diaz puring puri mo pa si vice sa kabutihan nya, meron ka pala hidden sama ng loob and you chose to address them kung kelan ngayon na alam mong down ang tao sa mga bashers. You should be the one who first defend him not ignite the fire"

"Gusto mo palang gisingin sila kung sakaling mali ang ginagawa, bat di na lang direct mong sinabi? Dinaan mompa sa post at dinelete naman."

"baka sakaling makatulong? being in silence is already a big help. sana di kana nakisawsaw lalu na galing ka mismo sa show na yan at malaki ang naiambag nila sayo. better be in silence para di ka mamisinterpret. understood?"

"You should have talked to Vice if you think there's something wrong in what they did hindi yun dinaan mo sa socmed, its like asking for attention and igniting a fire."

"Parang di naman tapik kaibigan or pamilya yung ginawa mo. Promoting more hatred and bashing kay Vice."

"Not everything has to be done in public. It called respect. Respect to others, respect to your self. God bless you then."

"Nakaka hanga ka po sir @nikkonatividad 🙌👏 sa loob loob ko, alam kong meron diyan sa staff ng It's Showtime ang hindi sumasang-ayon sa ginawa ni Vice, pero takot silang ipakita. Ang laki naman kasi ng babanggain nila. Vice Ganda eh. Kaya bulag-bulagan, pipi, at bingi-bingihan sila diyan. Kahit klarong mali ang ginawa at ginagawa ng kasamahan nila. I'm so glad I still see people like you who fight for what is right."

"a lot of people actually agree with you. Marami sa Facebook. Kaya wag ka papatinag sa bashers dito sa Instagram kasi kakarampot lang sila. There are actually more people who stand with you, more than you know ❤️ Palaging nananaig ang tama at katotohanan 🔥"

"ganon talaga pag sikat lahat ng pabor nsa kanya yan ang kalakaran ng showbiz,sabi pag sikat ka lahat maganda lahat perpekto pinakamabait ka sa lahat at maraming didikit sayo marami kang kaibigan kc mabango at sikat ka yan ang galawang showbiz plastikan"

"for sure merong mga co-hosts dun na di okay sa ginawa ni Vice, pero tikom lang ang bibig. Ganyan yata talaga ang sad truth ng buhay 💯 kung di yan sikat si Vice, tignan ko lang kung sinong kakampi diyan."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Vice Ganda patungkol dito.