Nilinaw ng dating Hashtag member at aktor na si Nikko Natividad na kaya siya naglabas ng saloobin patungkol sa isyu ng paninita ni Vice Ganda sa isang lalaking searchee ay dahil sa pagnanais niyang "may maayos o mabagong sitwasyon" at hindi para makisawsaw lamang.

Sa kaniyang opisyal na Instagram post ay nagsalita at nagpaliwanag na si Nikko tungkol sa isyu.

Ayon kay Nikko, hindi siya nagsisisi sa paglalabas ng kaniyang saloobin tungkol sa isyu. Hindi rin daw siya nagsisising ipinagtanggol niya ang ibang tao, kahit na posible raw siyang mawalan ng trabaho.

Hindi raw niya intensiyong manguha ng simpatya o makisawsaw sa gulo. Naglabas daw siya ng saloobin dahil baka-sakaling makatulong daw na mabago ang sitwasyon.

Tsika at Intriga

Kathryn dinagsa ng fans sa airport: naikumpara sa BINI?

"Kung ikekwento ko ba pinagdaanan at iniyak ko sa kanila magbabago ba tingin nyo sakin? Pero hindi naman yun ang intensyon ko na kumuha ng simpatya o makisali lang sa gulo. Naglabas ako ng saloobin ko dahil baka sakaling makatulong na may maayos o mabago na sitwasyon. Kasi ganun naman ang pamilya at kaibigan. Tatapikin ka kapag alam mong sumosobra o medyo nagkakamali na..." aniya.

Isa pa, ang pagbura daw niya sa mga nakaraang post ay “management decision” na hindi na tinukoy pa ni Nikko kung aling management ito.

"Hindi po ako naghahanap ng kaaway, ang pagkakabura po ng post ko ay management decision, tunay at bukas sa isip at puso ko ang sinabi ko, payapa ang aking kalooban."

MAKI-BALITA: Nikko nagsalita na sa isyu ng pasaring kay Vice Ganda: ‘Hindi ako nagsisisi!’

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Vice Ganda patungkol dito.