Naglabas na ng pahayag ang dating Hashtag member at aktor na si Nikko Natividad patungkol sa pinag-usapan at buradong Facebook posts na pasaring daw kay Vice Ganda, kaugnay sa isyu ng paninita niya sa searchee ng EXpecially For You."

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25

View this post on Instagram

A post shared by NikkoDAKS (@nikkonatividad)

Ayon kay Nikko, hindi siya nagsisisi sa paglalabas ng kaniyang saloobin tungkol sa isyu. Hindi rin daw siya nagsisising ipinagtanggol niya ang ibang tao, kahit na posible raw siyang mawalan ng trabaho.

Hindi raw niya intensiyong manguha ng simpatya o makisawsaw sa gulo. Naglabas daw siya ng saloobin dahil baka-sakaling makatulong daw na mabago ang sitwasyon. Isa pa, ang pagbura daw niya sa mga nakaraang post ay "management decision" na hindi na tinukoy pa ni Nikko kung aling management ito.

MAKI-BALITA: Posts ni Nikko Natividad, patama kay Vice Ganda?

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Vice Ganda tungkol sa isyu.