Nagbigay na ng reaksiyon si "Eat Bulaga" host-actress Miles Ocampo tungkol sa pinag-usapang "pataba" joke sa kaniya ng co-host na si Joey De Leon na umani naman ng diskusyunan sa social media.

Nangyari ito sa pagdiriwang ng kaarawan ni Miles noong Mayo 1, 2024 sa nabanggit na noontime show.

Sa kumakalat na video clip sa X na mula naman sa noontime show, maririnig na nagbigay ng birthday wish sa kaniya ang isa sa mga host na si Tito Sotto III.

"Wala akong masasabi kundi pataas! Pataas 'yong edad eh!" ani dating senate president.

Tsika at Intriga

Kathryn dinagsa ng fans sa airport: naikumpara sa BINI?

"Pataas!" sey naman ng ilang EB co-hosts.

Maya-maya, bigla namang sumingit ng hirit si Joey.

"Pataba... eh, pababa..."

Kapansin-pansin namang walang natawa o pumansin sa mga host sa naging banat ni Joey. Sinabi ni Vic na mag-blow na siya sa kaniyang cake na inihanda para sa kaniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon mula sa mga netizen.

"Walang character development itong Joey De Leon na ito!"

"Eh dapat right there and then sumagot si Miles kung naoffend siya. Wala naman eh. Unlike sa audience before sabi niya 2024 na di na uso body shaming. O baka natakot siya at napipi siya kay Lolo Joey Hahaha."

"Buti hindi siya sinupalpal ni Maine Mendoza, nasa tabi pa naman niya."

"Ewan ko. May issue ko sa mga matatanda na nang ookray talaga. Hahahaha!! Pero pag same age ko okay lang. hahahahaha!"

"You can sense na off ang hirit kaya di nila pinansin. Grabe nagka-cancer nga s'ya na-depress nga sya sabi sa interview with Karen Davila bastos talaga."

Matatandaang sinagot na ni Miles ang dahilan ng kaniyang pag-gain ng weight matapos magkaroon ng health concern sa kaniyang thyroid.

Sa latest na panayam kay Miles tungkol sa isyu kaugnay ng media conference para sa bagong proyektong "Padyak Princess" sa TV5 noong Hunyo 5, sinabi ni Miles na agad naman daw nag-sorry sa kaniya si Joey, at sa totoo lang daw, hindi naman daw siya nasaktan sa biro nito.

"Si Boss Joey, sa mga Dabarkads, siya po 'yong tao na updated talaga sa lahat," ani Miles.

"Kaya po noong lumabas po 'yong issue na 'yon, updated siya agad. So the next day talaga, parang, ‘Huy, sorry ah.’

"Sabi ko, ‘Okay lang po, Boss Joey.' Parang sa amin naman po, wala lang 'yon."

Depensa pa ng Dabarkads host, ""Ilang taon na po ang Eat Bulaga! at alam na nila kung paano ang biruan at paano ang pagpapakita ng pagmamahal."

"Sa Dabarkads, bawal ang pikon do'n. Sanay lang kami sa bawat banat at hirit ng isa't isa, so walang problema," pagdedepensa pa ni Miles kay Joey.

MAKI-BALITA: Hirit ni Joey De Leon sa timbang ni Miles Ocampo, umani ng reaksiyon