Tila hindi naitago ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang kaniyang naramdamang tuwa para sa celebrity couple na sina Elijah Canlas at Miles Ocampo.

Sa isang episode ng “Cristy Ferminute” noong Huwebes, Hunyo 6, sinabi ni Cristy na hindi raw kasi pinangangalandakan ng dalawa ang kanilang pagbabalikan.

“Natutuwa talaga ako kay Miles Ocampo at Elijah Canlas. Napakatahimik ng mga bata. Hindi nila ginagawang produkto ang kanilang relasyon para ipakain sa publiko,” saad ni Cristy.

Dagdag pa niya: “Kasi karamihan, post nang post, post nang post. Kapag nagbigay ka naman ng reaksiyon, nagagalit.”

Relasyon at Hiwalayan

Arci Muñoz, handang iwan ang career para sa pag-ibig?

Matatandaang sa isang panayam noong Mayo ay nagbigay ng update si Elijah kaugnay sa relasyon nila ni Miles.

MAKI-BALITA: Elijah Canlas, may update sa relasyon nila ni Miles Ocampo

Bago pa man kasi ito, nauna nang sinabi ng aktres na inaayos na raw nila ni Elijah ang nasira nilang relasyon.

MAKI-BALITA: Miles Ocampo, Elijah Canlas inaayos ang nasirang relasyon