Isa pang dating Hashtags member ang nagbigay ng kaniyang saloobin patungkol sa mainit na usapin ng paninita ni Vice Ganda kay Axel Cruz, ang lalaking searchee ng segment na "EXpecially For You" na umano'y nanunggab ng beso sa babaeng searcher na si "Christine."

Naging kontrobersiyal ito dahil hati ang reaksiyon at opinyon ng mga netizen patungkol sa pagsita ni Vice Ganda at iba pang TV hosts; na kesyo hindi raw dapat ipinahiya sa national TV pa mandin ang bisitang searchee.

Lumaki pa ang isyu nang bawiin ni Vice ang nauna niyang pahayag na magso-sorry siya kay Axel, matapos kasing maglabas ng pahayag sa TikTok si Christine na hindi naman daw siya nakaramdam ng pambabastos sa ginawa ni Axel.

Ngunit naiba ang ihip ng hangin nang makausap na raw ng ilang It's Showtime staff si Christine. Kaya ang naba-bash ngayon ay si Christine dahil daw sa pabago-bagong statement nito.

Tsika at Intriga

Baron Geisler, lagi raw may kontak sa anak niya kay Nadia Montenegro

Lalo pang naging isyu ito nang kumalat naman sa social media ang video ni Christine habang umiiyak dahil pinagmukha raw siyang sinungaling sa mga nangyari.

Dahil dito, naglabas ng saloobin ang dating Hashtags member na si Nikko Natividad patungkol sa isyu. Bagama't hindi pinangalanan, malinaw na ang insidente ang kaniyang tinutukoy, lalo na ang dating kasamahan sa It's Showtime na si Vice Ganda.

Kagaad ding binura ni Nikko ang posts niya subalit na-screenshot na ito ng mga netizen at inulan na ng komento sa social media. Maging si Miss Q&A Grand Winner Juliana Parizcova Segovia ay shinare din ito.

Taliwas sa sinabi ni Nikko, ang dating Hashtags member at Kapuso actor na ngayon na si Luke Conde ay nagsabing to be fair daw ay halatang hindi raw komportable ang naging reaksiyon ni Christine sa biglaang pagsunggab sa kaniya ng beso ni Axel.

"To be fair pag pinanuod mo yung nangyari, kahit ako nakita ko na hindi comfortable yung reaction nung girl," saad ni Luke sa kaniyang X post noong Hunyo 6.

Photo courtesy: Screenshots from Luke Conde (X)

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Mag kaiba kayo ni Nikko. What you said was true."

"true ito, the girl may or may not be comfortable pero based sa nakita ng mga hosts there was no consent, implied or otherwise. kaya napagsabihan si guy. it’s not about the intent na magmanyak. don’t get me started with the pangit vs gwapo argument pa nga."

"How about Axel? Hindi ba siya napahiya 😢?"

"o.a lang talaga si girl. pero kung gwapo sure ako di ganon reaction nya"

MAKI-BALITA: Posts ni Nikko Natividad, patama kay Vice Ganda?