Nagbigay ng reaksiyon ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson kaugnay sa umano’y pagiging heartbreaker niya.

Sa latest episode kasi ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila noong Huwebes, Hunyo 6, naitanong niya kay Gerald kung ano ang “biggest misconception” sa kaniya ng tao.

“What is the biggest misconception about you?” usisa ni Karen.

“I don’t know, hindi ko—” sagot ni Gerald.

Relasyon at Hiwalayan

'The easiest yes!' Jose Manalo, Gene Maranan engaged na!

“You’re a heartbreaker,” agaw naman ni Karen.

“Heartbreaker? You know, my heart was broken at the same time, e, you know? It wasn’t, hindi naman ’yon madaling-madali. Maybe there’s a situation na ako ’yong umayaw na, but it doesn’t mean na, sobrang dali lang ’yon para sa ’kin,” paliwanag ni Gerald.

Dagdag pa ng aktor: “Any aspect naman ’yon, hindi lang ’yon sa girlfriend. But, you know, we hurt people around us all the time, and hindi naman ibig sabihin na wala lang sa ’kin ’yon.” 

Matatandaang sa isang panayam ng ex-jowa niyang si Bea Alonzo sa Fast Talk with Boy Abunda noong Enero 2023 ay isiniwalat nitong ghinost siya ni Gerald.