Natalakay sa showbiz-oriented vlog na "Ogie Diaz Showbiz Update" ang isyu sa pagitan nina Nikko Natividad at Vice Ganda matapos mag-post ang una ng makahulugang post patungkol sa "dalawang contestants sa TV" na napahiya at tila natrauma sa naranasan nila.

Bagama't walang binanggit o tinukoy na mga pangalan ng tao at show, nagkakaisa ang mga netizen na pumapatungkol ito sa isyu ng pagsita ni Vice Ganda kay Axel Cruz, ang lalaking searchee ng segment na "EXpecially For You," na umano'y nanunggab ng beso nang walang pahintulot sa babaeng searchee na si Christine.

MAKI-BALITA: Vice Ganda magso-sorry sa sinitang searchee matapos manunggab ng halik

Lumaki ang isyu nang bawiin ni Vice Ganda ang nauna niyang pahayag sa X na mag-aapology siya sa lalaki matapos maglabas ng pahayag sa TikTok si Christine, na umano'y hindi naman daw siya naapektuhan sa ginawa ni Axel, subalit nang makausap ulit ng It's Showtime staff, ay umaming nailang at nabastos daw talaga siya.

Tsika at Intriga

Kathryn dinagsa ng fans sa airport: naikumpara sa BINI?

Kaya naman, iba't ibang isyu ang naikapit na kesyo napahiya si Axel at napalabas pa raw na sinungaling si Christine, lalo na nang kumalat ang video ng babae na umiiyak matapos kausapin ng Showtime staff.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, binawi ang apology sa searchee na nanunggab ng halik

Tila nabaligtad kasi ang mundo at bina-bash na ngayon si Christine dahil sa pabago-bagong statement niya.

Ikinagulat naman ng lahat ang pag-post ni Nikko tungkol sa isyu, lalo't ang Hashtag ay dating all-male group na nagsimula sa Showtime.

Ilang minuto lang ay agad na binura ito ni Nikko subalit huli na ang lahat dahil na-screenshot na ito ng mga netizen at kumalat na sa social media.

Dahil dito, may mga nagpapalagay raw na baka manganib ang status ni Nikko sa ABS-CBN at baka tanggalin siya ng direktor ng "FPJ's Batang Quiapo" na si Coco Martin, dahil mag-BFF sila ni Vice Ganda.

Sa kasalukuyan ay gumaganap bilang "Emong" si Nikko sa naturang serye.

Ngunit para kay Ogie, sa palagay niya ay hindi naman gagawin ni Coco ang nabanggit na hakbang kahit na malapit sila ni Vice Ganda. May mga nagsabi raw kay Nikko na wala siyang utang na loob sa It's Showtime gayong galing daw sila sa nabanggit na noontime show.

"Binalaan pa ng ilan si Nikko na baka katapusan na niya sa Batang Quiapo dahil daw close sina Vice Ganda at Coco Martin. Feeling ko naman ano, hindi naman gano'n si Vice Ganda at hindi rin naman para magpadala si Coco sa mga isyung hindi naman ito involved," opinyon naman ni Ogie.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Nikko, Vice Ganda, at Coco tungkol sa isyung ito.

MAKI-BALITA: Posts ni Nikko Natividad, patama kay Vice Ganda?