Isinakripisyo ni Abegail Magadan Doria-Ida ang sariling edukasyon para makapagtapos ang kaniyang apat na kapatid sa kolehiyo.

Sa TikTok account ni Abegail kamakailan, ibinahagi niya ang video kung saan tampok ang mga graduation picture ng kaniyang mga kapatid. 

“Okay lang kahit di nakasabit picture ko dyan. Masaya ako na nakatapos silang lahat. I started working when I was 19. Nakaraos din,” saad ni Abegail sa caption ng kaniyang post.

“Hiwalay parents namin. No support from our father. Mama ko naman sa bahay lang nag-aalaga ng lola ko,” aniya.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Dagdag pa ni Abegail: “As in at the age of 19, ako lang nage-earn sa [family] namin. Grabe ang challenges at paghihirap pero lahat ng ‘yon worth it dahil ‘di ako magiging matatag kung ‘di ko naranasan ‘yon.”

Kaya naman, hindi nakapagtatakang umaapaw daw ang mga biyayang dumarating ngayon sa buhay niya.

Samantala, sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Abegail ang interes niyang makabalik muli sa pag-aaral.

“Planning to pursue my studies. If not this year, next year po,” aniya.

 Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, umabot na sa 217.8k likes at 1.5 million views ang 

ang video na ito ni Abegail.