Nagbigay ng pahayag ang Kapuso actor na si Xian Lim kaugnay sa mga ibinabatong paratang sa kaniya matapos ang hiwalayan nila ni “It’s Showtime” host Kim Chiu.

Sa panayam ng GMA Integrated News nitong Huwebes, Hunyo 6, sinabi ni Xian na hindi niya umano deserve makatanggap ng false accusations.

"It’s really hard, it's gotten out of hand na and that's just the painful part of it. Sasabihin nila na nag-iingay si Xian because may pelikula, no," pahayag ni Xian.

“Hindi na namin kailangan pang isa-isahin kung sino ang nagkulang because it’s just like other relationship. But I do not deserve the false accusations, the lies being spread,” wika niya.

Kapatid ni Rico Yan, 'di ipinagbabawal pagbisita sa puntod ng aktor

Dagdag pa ng Kapuso actor: “I work really hard, you know, we are all working really hard. I’m working so hard and I don’t wanna be defined by what happened with my breakup, with my previous relationship.”

Matatandaang pagkatapos nilang kumpirmahin ni Kim ang kanilang hiwalayan noong Disyembre 2023 ay umani na ng mga negatibong komento si Xian. 

MAKI-BALITA: ‘End of a Love Story!’ Kim Chiu kinumpirmang hiwalay na sila ni Xian Lim

MAKI-BALITA: Xian kay Kim: ‘No goodbyes here, I’ll see you around’

Pero tila lalo pang dumami ito nang isiwalat niya ang tungkol sa real-score nila ng producer na si Iris Lee, na nali-lik na sa kaniya maski noong hindi pa sila hiwalay ni Kim.

MAKI-BALITA: CONFIRMED! Xian Lim, Iris Lee masayang nagde-date!

MAKI-BALITA: Xian Lim, Iris Lee dalawang taon nang nagkakamabutihan?

MAKI-BALITA: Xian Lim, Iris Lee dalawang taon nang nagkakamabutihan?