“I love you, Papa. I am just blessed forever.”

Viral sa social media ang pagbibigay ng tribute ng isang miyembro ng LGBTQIA+ community sa kaniyang amang very supportive sa kaniyang mga gustong gawin sa buhay tulad ng pagsali sa beauty pageants.

Sa isang TikTok post, ibinahagi ng gay son na si Violet Huelar, 22, mula sa Calamba, Laguna ang isang video ng compilation ng ilang clips ng naging ganap niya sa pagpa-pageant at pag-aaral, kung saan lagi raw nakasuporta ang kaniyang Papa Toto.

Ilan sa mga clip na makikita sa video ay ang pagputong ng napanalunang korona ni Huelar sa kaniyang masaya at proud na ama, ang pag-alalay nito sa kaniyang pababa ng stage, at ang pagsabit niya ng medalya rito matapos niyang maging top 5 outstanding student sa kanilang eskwelahan.

Human-Interest

Pag-retouch ng batang babae sa side mirror ng sasakyan, kinaaliwan!

Sa huling bahagi ng video ay makikita rin ang pagpe-perform ni Hueler habang nanonood naman ang kaniyang Papa Toto at sinasambit ang katagang: “Anak ko ‘yan.”

“I love you, Papa. I am crying upon editing this,” ani Huelar sa kaniyang post. 

“I am just blessed forever. I am proud of you! Super!” saad pa niya.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Huelar na very close talaga sila ng kaniyang papa at sobrang nagpapasalamat siya sa suporta nito sa kaniyang pagsali sa beauty pageants, maging sa kaniyang pag-aaral ng kursong Bachelor of Physical Education.

"To the most important person sa buhay ko, papa. Deserve na deserve mong ipakilala sa buong mundo. Mahal na mahal kita. Ikaw ang nagturo sakin maging ganitong kabuting tao. Ikaw ang tunay kong korona👑 i love you 💜 Salamat sa pagtanggap kung sino ako at ano ako. Ikaw ang pagaalayan ko ng lahat," mensahe ni Huelar sa kaniyang ama.

Maraming netizens naman ang na-touch sa naturang post ni Huelar na umabot na ng mahigit 4.3 million views, 790,900 likes, at 7,750 comments.

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“She’s full of love and confidence because her father has confidence in her and gives her so much love.”

“They always say a mother’s love is unmatched but a father’s love is really out of this world ❤️.”

“I'll make sure that my kids will get this kind of dad.”

“Who’s cutting onions!?🥺🥹.”

“See? If a child receives the support and love they deserve, they can really achieve the best version of themselves. 🥹🫶.”

“May all LGBTQ Community have this kind of support and love from their father 🙏😍 🥰.”

“Crying after seeing this video. I’m so happy tanggap at mahal ka ng papa mo 😭 more powers to you, tatay! 💕✨🌈 I hope more parents are like you.”