Nagbabala si Senador Risa Hontiveros sa mga nakikipagsabwatan umano sa mga sindikatong Chinese upang hindi mahuli sa mga isinasagawang raid ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.
Sa isang pahayag nitong Biyernes, Hunyo 7, nagbabala si Hontiveros na mananagot ang mga nakikipagsabwatan umano sa mga sindikatong Chinese.
"It is unfortunate, however, that there seemed to be a leak prior to the operation. May mga Chinese umano na pinatakas bago pa makarating ang PAOCC sa lugar. We will get to the bottom of who is accountable," saad ni Hontiveros.
“Sinumang nakikipagsabwatan sa mga sindikatong Chinese ay mananagot. Our Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality will ensure that victim-survivors of abuse and exploitation will get the justice they deserve," dagdag pa niya.
Nangyari ang pahayag na ito matapos na maiulat sa kanila na may mga Chinese na pinatakas umano nang malaman na magkakaroon ng raid sa isang iligal POGO sa Pampanga.