Ipinagbebenta na ng aktres at komedyanteng si Rufa Mae Quinto ang conduminium niyang nakatirik sa Makati City.

Sa latest Instagram post ni Rufa nitong Huwebes, Hunyo 6, ipinasilip niya ang kabuuang ayos at disenyo ng naturang condo sa pamamagitan ng video.

Ayon sa caption ng post: “For rent, for sale my condominium in Makati. DM me if interested. THE GREENBELT AT RESIDENCES. Rent 150,000.00 monthly including dues 1-year rent no short term. For sale 45.5 M.”

Narito ang iba pang detalye sa ipinagbibili niyang condo: 

Tsika at Intriga

Anthony sa paratang na siya ang ugat ng hiwalayang Rico-Maris: 'Sasabihin ko naman!'

“The Residences at Greenbelt. San Lorenzo Tower

1 bedroom loft w/ balcony,

2 floors,

146sqm total floor area

(including 2 car parking), Furnished,

1 t&b, 1 powder room,

1 Quarters w/ t&b.”

Kahit nakalagay na sa caption ng post ang mga mahahalagang detalye, may mga netizen pa ring nagkomento para magtanong kung magkano ang halaga ng ipinagbibili ni Rufa.

Sey tuloy ng isang netizen: “Basa basa din poh kung may time andyan na poh lahat sa description …. Daming Mema ngayon sa Pinas.”

Samantala, wala namang binanggit na dahilan si Rufa kung bakit niya naisipang ipagbenta ang condo niya sa Makati.