Kinagigiliwan ngayon ang TikTok video ni Ladeen Mhae Lacambra dahil sa kaniyang alagang pusa na si Pipoy na hindi marunong mag-“meow.”

Sa ulat ng Manila Bulletin, ikinuwento ni Lacambra, bumisita raw ang girlfriend ng kaniyang lalaking kapatid na may dalang pusa at nagulat daw sila na may narinig silang nagsabi ng “Hi.”

Kahayupan (Pets)

Bus driver na isinakay asong nalilito at muntik masagasaan sa kalsada, sinaluduhan

"So tumahimik kaming lahat tapos before no’n nagpapasahan kami sino yung nag ‘Hi’ kaya tumawa kami and nagulat because yung paulit-ulit na tunog ay kay Pipoy pala nanggagaling,” kwento niya.

Dagdag pa niya, lumaki raw kasi si Pipoy kasama ang dalawang aso.

Umani ng mga nakakatawang komento ang TikTok video ni Lacambra.

“At least marunong mag-Hi, ‘di ba?”

“Sabe po sa vet, kapag ganyan daw po yung pusa, check niyo po sa bandang batok niya, tas i hard reset lang daw po”

“No why you laugh at him he is trying his best 😭

“my cat also no meow , it say HAHENG 😏

“hahaha yung sakin hindi naman sya bingi kasi naririnig nya ko kapag tinatawag ko sya, pero yung meow nya "ngak" 😂

“yung pusa ko naman me-e-e-e kala kambing ata”

““Hay” daw, mukhang pagod na siya maging pusa teh 😂