Inanunsyo ng singer-politician na si Imelda Papin ang pinaplano niyang programa matapos siyang italaga kamakailan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang bagong acting member ng Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO). 

Sa isang public briefing ng “Bagong Pilipinas Ngayon” ng PTV nitong Biyernes, Hunyo 7, na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Papin na plano niyang palawigin ang mga serbisyo ng PCSO hanggang weekends sa pamamagitan ng pagpapatupad ng “Isang Linggong Serbisyo.”

"I want to bring attention to, I want to announce today, although I already announced it during the oathtaking, I want to bring to the board's attention and seek approval for this ‘Isang Linggong Serbisyo',” ani Papin.

“Since our work is from Monday to Friday, let's add Saturday and Sunday as well. So, it's like ‘walang tulugan’. We'll really be working," saad pa niya.

National

Imelda Papin, acting member na ng PCSO Board of Directors

Ibinahagi rin ng singer-politician na natuwa raw si Marcos nang banggitin niya rito ang naturang plano niya para sa ahensya.

Matatandaang noong Martes, Hunyo 4, nang manumpa si Papin bilang Acting Member ng Board of Directors ng PCSO.

Bukod sa tinagurian siyang Asia's sentimental songstress, si Papin ay dating vice governor of Camarines Sur. Lumaban siya bilang gobernador ng lalawigan ngunit nabigong manalo noong nakaraang eleksyon.

Malapit din ang singer-politician sa pamilya Marcos, kung saan ang kaniya raw biopic movie ay umikot sa pagsama niya kay dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Hawaii.