Binigyang-pugay ni Senador Risa Hontiveros ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa pagpupursige nitong i-raid ang mga iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

“Nagpupugay ako sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa kanilang pagpupursige sa pag-raid ng mga iligal na POGO. Napakarami pa naming nakukuhang reports kung saan naghahasik ng lagim ang mga POGO. Tiwala ako na mare-raid at mahuhuli din ang mga nasa likod nito,” saad ng senador sa isang pahayag nitong Biyernes, Hunyo 7.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

“Dahil sa mga raid, nailalantad ang mga paulit-ulit at karumal-dumal na krimen na dala ng POGO, tulad ng scamming, torture, at human trafficking na natagpuan dito sa Pampanga. Indeed, wherever there is POGO, there is crime,” saad pa ni Hontiveros.

Nabanggit din ng senadora na tila may nakaalam daw tungkol sa raid kung kaya’t may mga Chinese na nakatakas umano bago makarating ang PAOCC sa huling ni-raid nito sa Pampanga.

Kaya nagbabala rin si Hontiveros na kung sinuman ang nakipagsabwatan sa mga sindikatong Chinese ay mananagot.

“Sinumang nakikipagsabwatan sa mga sindikatong Chinese ay mananagot. Our Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality will ensure that victim-survivors of abuse and exploitation will get the justice they deserve.”