Paano nga ba nagawang pigilan ng celebrity couple na sina Billy Crawford at Coleen Garcia na mapunta sa hiwalayan ang kanilang relasyon?

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Huwebes, Hunyo 6, ibinahagi ni Coleen ang tungkol sa muntik na hiwalayan nila ni Billy.

“Never kaming nag-break. There were a lot of instances na almost, pero not really, kasi hindi siya pumapayag,” saad ni Coleen.

“Sabi niya: ‘No, we’ll fix this.’ Ipinaglalaban niya talaga always ‘yong relationship,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

Gayunman, nilinaw ni Coleen na sumusuko siya hindi dahil may nagawang kasalanan si Billy kundi dahil sadyang gano’n lang daw talaga siya, napapagod.

“Kasi, I think ganoon lang kasi talaga ako Tito Boy. Ganoon lang talaga ako kalala. ‘Ayoko na, tapos na ako!’ Palagi akong gano’n,” pahayag ng aktres.

Kaya naman, nagpapasalamat umano si Coleen kay Billy dahil sa pagtuturo nito sa kaniya kung paano mas maging committed hindi lang sa kanilang kasal kundi pati na rin sa ibang bagay tulad ng trabaho.

Matatandaang ikinasal ang dalawa noong Abril 2018 sa Balesin Island. Samantala, isinilang naman nila ang kanilang panganay na si Amari noong 2020.