Nakikipag-ugnayan daw ang comedy queen na si Ai Ai Delas Alas sa Star Cinema para sa bagong installment ng pumatok niyang pelikula na “Tanging Ina.”

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Huwebes, Hunyo 6, sinabi umano ni Ai Ai na siya ang magsisilbing co-producer ng naturang pelikula.

"Ako 'yong magpo-produce. Kumbaga, partnership with Star Cinema. Nagtanong din ako sa Star Cinema kung magkano magagastos sa ganito, sa ganiyan," saad ni Ai Ai.

Bukod dito, ibinahagi rin ni Ai Ai na interesado rin umanong bumalik ang mga anak niyang nagsiganap sa “Tanging Ina.”

Pelikula

Jane De Leon, Janella Salvador may nilulutong proyekto?

"Actually, kinakausap ko na ang 'yong mga anak ko, go naman sila. 'Yong mga 'Tanging Ina' na anak ko kasi may chat group kami,” aniya.

Dagdag pa ng comedy queen: “Sinabi ko sa kanila: ‘kapag ba ginawa natin ito, go kayo?’ Sabi nila: 'Oo Mama, go kami diyan.' Sabi ko: 'O sige, try natin hahanap ako ng producer tapos gawin natin.’"

Ang tinutukoy niyang mga “anak” ay sina Marvin Agustin, Nikki Valdez, Carlo Aquino, Heart Evangelista, Alwyn Uytingco, Marc Acueza, Shaina Magdayao, Serena Dalrymple, Jiro Manio at Yuuki Kadooka.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilalabas na pahayag o tugon ang Star Cinema tungkol sa naturang plano.