Usap-usapan ngayon ang umano'y social media posts ng dating Hashtag member na si Nikko Natividad, na bagama't walang pinangalanan o tinukoy, ay hinulaan ng mga netizen na pasaring daw sa dating kasamahan sa "It's Showtime" na si Vice Ganda.

Ayon sa ngayo'y burado nang Facebook post, naawa raw siya sa "dalawang contestants" sa TV na umano'y ginusto lang ng exposure subalit tila na-trauma raw.

"Ipagpalagay na natin na bebeso talaga yung lalaki. Hindi naman nya intensyon manyakin sa live yung babae. Ang mali lang nya ay hindi nya alam na need pala muna magpaalam bago bumeso," mababasa rito.

Giit pa ni Nikko, tila sobrang napahiya naman daw ang lalaki lalo na't nasa national television pa sila.

Tsika at Intriga

Andrea Brillantes, wapakels sa mga pumupuna sa braso niya

Photo courtesy: Nikko Natividad (FB) via Kapamilya Online World (FB)

Sa isa pang post, "Naaawa ako sa dalawang contestant. Gusto lang nila ma-experience at ng exposure pero sobrang trauma 'yung nakuha nila."

Photo courtesy: Nikko Natividad (FB) via Kapamilya Online World (FB)

"Lalagyan lang nya ng charot sa dulo lulusot na yan," isa pang makahulugang post ni Nikko.

Photo courtesy: Nikko Natividad (IG)

Bagama't burado na, na-screenshot na ito ng mga netizen at pinagpipiyestahan na nga sa iba't ibang social media pages, kagaya na lamang ng Kapamilya Online World.

Ibinahagi rin ito ni "Miss Q&A Season 1" Grand Winner Juliana Pariscova Segovia.

Photo courtesy: Juliana Parizcova
via ALTStarMagic (X)

Hula ng mga netizen ay may kinalaman ito sa pagsita ni Vice Ganda sa tangkang pagbeso raw ng searchee na si Axel Cruz ng "EXpecially For You" sa babaeng searcher na si "Christine."

Binawi ni Vice Ganda ang nauna niyang sinabing mag-apology siya kay Axel matapos daw makausap ng It's Showtime staff si Christine na talaga umanong nailang siya sa ginawa ni Axel.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, binawi ang apology sa searchee na nanunggab ng halik

Samantala, wala pang pahayag ang kampo ni Vice Ganda tungkol sa isyu.