Kabilang ang aktres na si Nadia Montenegro sa mga dumaraming celebrities na nagiging reservist sa sandatahang lakas ng Pilipinas.

Si Nadia, ay isa nang ganap na reservist ng Philippine Navy.

Ipinakita ng kaniyang anak na si Ynna Asistio sa kaniyang Instagram stories ang ilang mga kuhang larawan sa naganap na graduation rites para sa pagtatapos ni Nadia, na sumailalim sa 30 araw na training course.

Makikitang dumalo sa pagtitipon si Senador Robinhood "Robin" Padilla na nakipagkamay pa sa aktres.

Ogie Diaz, pinayuhan ang BINI na 'wag nang mag-Jabbawockeez ulit

Ibinida rin ni Montenegro ang isang larawan habang hawak niya ang sertipiko ng pagtatapos habang nakasuot ng uniporme ng Navy.

Sa panayam kay Nadia ng showbiz news reporters, sinabi niyang ito raw ang naisip niyang paraan upang magbalik-loob para sa Inang Bayan.

Ilan pa sa celebrities na bahagi na rin ng PH Navy ay sina Rocco Nacino, JC Tiuseco, at Dingdong Dantes.