Usap-usapan ang pag-share ni Miss Q&A Season 1 Grand Winner Juliana Parizcova Segovia sa makahulugang Facebook post ni dating Hashtags member Nikko Natividad patungkol sa pagkaawa niya sa dalawang contestants sa TV na napahiya raw.

Bagama't walang tinukoy na pangalan, naniniwala ang mga netizen na may kinalaman daw ang posts patungkol sa nangyaring tangkang pagbeso raw ng searchee na si Axel Cruz ng "EXpecially For You" sa babaeng searcher na si "Christine."

Binawi ni Vice Ganda ang nauna niyang sinabing mag-apology siya kay Axel matapos daw makausap ng It's Showtime staff si Christine na talaga umanong nailang siya sa ginawa ni Axel.

Sa ngayon ay burado na ang posts ni Nikko subalit marami sa mga netizen ang nakapag-screenshots nito at pinulutan na sa social media.

Tsika at Intriga

John Estrada, trending sa X; sigaw ng netizens, 'wag isabuhay si Riggghhhooouuurrr!

MAKI-BALITA: Posts ni Nikko Natividad, patama kay Vice Ganda?

Isa nga sa nagbahagi nito ay si Juliana na bali-balitang nagkaroon din ng di-pagkakaunawaan kay Vice Ganda lalo na sa kasagsagan ng halalan, matapos magpakita ng suporta ang una sa UniTeam.

Photo courtesy: Juliana Parizcova
via ALTStarMagic (X)

Nang usisain naman ng netizen kung bakit burado na at hindi na makita sa wall ni Juliana ang post ni Nikko, "SYEMPRE FB NYA UN,SYA MASUSUNOD..TEKA KAILANGAN BA NYA MAG EXPLAIN SAYO TEH?…PARA MASABIHAN KO."

Photo courtesy: Juliana Parizcova (FB)

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Nikko o ni Vice Ganda patungkol sa isyung ito. Bukas ang Balita sa kanilang panig.