“May God bless you more, Tay!”

Sinaluduhan sa social media ang isang jeepney driver na hindi lamang nagpalibreng sakay sa kaniyang mga pasahero, kundi namahagi rin ng burger sa araw ng kaniyang kaarawan.

Sa isang Facebook post, ibinahagi ng tsuper na si Tal Villasan mula sa Cebu na mula pa noong 2018 ay “personal commitment” na niya ang pagbabahagi sa iba tuwing kaniyang kaarawan.Para naman sa pagdiriwang ng kaniyang ika-53 kaarawan ngayong taon, bukod sa palibreng sakay ay namigay rin daw si Villasan ng isang burger para sa unang 53 na mga pasahero niya.

“My personal commitment since 2018 #free1burgerfirst53passenger. Thanks to my 3 lovely angel sa support & wifey,” ani Villasan sa kaniyang post na inulat din ng Manila Bulletin.

Human-Interest

Stray dogs, kinaantigan sa ‘pagpila’ sa feeding station

Dahil sa kabutihang kaniyang ibinahagi sa iba, maraming netizens ang sumaludo sa jeepney driver at nagpaabot din ng pagbati sa kaniyang kaarawan.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“Something to be grateful for! To make someone happy and smile, let us share our blessings in any form!”

“Good job manong driver, nabusog ang mga pasahero mo.”

“Happy blessed birthday po God bless more blessings to come kasi nag share ka ng blessing eh .”

“Oooh so sweet ni Manong driver, Happy birthday po! Yes, we have that capacity and heart to share.”

“Happy blessed birthday po sau sir Mas mahabang buhay at kalusugan para sa katulad mo.”

“Wow what a unique way to celebrate your birthday!!! May you be blessed with more birthdays, Mr. Tal Villasan.”

“Good job Tatay for your kindness and wisdom. May God bless you more Tay.”