Naantig ang damdamin ng mga netizen at maging constituents ng aktor-politiko na si Ejay Falcon matapos niyang ibida ang muling paghaharap nila ng dating pinagbibilhan ng banana cue at iba pang pagkain para sa meryenda, noong siya ay kargado pa sa palengke at hindi pa sumasali sa reality show na "Pinoy Big Brother" na nagbukas sa kaniya sa iba't ibang oportunidad.

Sa Facebook post ni Ejay, talaga raw inabangan siya ng lola upang muling makaharap.

"Kahapon, sa pagdalo ko sa isang Birthday na imbitasyon, May isang lola na naghintay sa akin at hindi umuwi para daw hintayin ako, Pagdating ko bigla nya sinabi- Totoy, Tanda mo pa ba ako? Tinitigan ko sya mabuti, at sya na ang nagsabi na ‘ Ako ang binibilihan mo ng sinulbot o Banana cue sa Wawa Pinamalayan habang nagkakargador ka."

"Bigla ko sya niyakap at sinabi ko, Ay kayo po Nanay Nene. Tuwang tuwa po kami pareho, Nasubaybayan nya ang pagiging istibador/Kargador ko noong mga panahon na yun. Maraming salamat po Nanay Nene sa iyong mga Banana cue na alam ko yun ang isa sa nagpalakas ng aking katawan habang buhat ang Copra at mga uling," ani Ejay.

Tsika at Intriga

Baron Geisler, lagi raw may kontak sa anak niya kay Nadia Montenegro

Giit ni Ejay, isa siyang proud kargador.

"Kaya Mo Yan," aniya pa.

Si Ejay, bukod sa pag-arte, ay siyang vice governor ng Oriental Mindoro.

Marami naman sa mga netizen ang pumuri kay Ejay dahil kahit matagumpay na siya ngayon ay marunong pa rin siyang lumingon sa kaniyang pinanggalingan.

"Napakabait mo gov ejay sana dika magbago be humble god bless always."

"Magandang ugali hindi lang panlabas pati sa loob ng puso."

"good job inspiration ka ng mga taong nagsusumikap sa buhay."

"Wow! Nakakatuwa nmn po. Proud po ako sa u. Manatili ka po lagi na nklapat pa rin ang paa sa lupa. GOD bless po."

"Nagsimula sa hirap at itinaas ng maykapal🙏🙏🙏 saludo ako sau Vice Gov. Ejay Falcon 🫡🫡🫡❤️."