Usap-usapan ang umano'y Facebook post ng madir ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama patungkol sa nali-link sa anak ngayon na si Barbie Imperial.

Mukhang sa post daw kasi ni Bisaya ay "boto" siya sa dating ngayon ng anak kay Barbie.

Mababasa sa kaniyang post, ""Hoy!! Yung walang magawa sa buhay tumahimik na kayo."

"Kasi si Annabelle Doll hindi lalaban kay Barbie Doll maganda, maputi at makinis. Ang gusto makalaban ni Annabelle Doll si Chucky. Alam nyo na kung sino yun HAHAHA happy kana!?"

Relasyon at Hiwalayan

Andi, banas kay 'friend' na may couple tattoo kay Philmar

Photo courtesy: Annabelle Rama via MB

Curious naman ang mga netizen kung sino ang tinutukoy niyang si "Chucky."

Matatandaang naging mas maugong na nagkakamabutihan na sina Richard at Barbie matapos silang maispatang magkasama sa South Korea.

Inungkat naman ng mga netizen ang umano'y komento ni Barbie sa naging kasal nina Richard at estranged wife nitong si Sarah Lahbati noong March 2020.

MAKI-BALITA: Komento raw ni Barbie sa kasalang Richard-Sarah noon, nakalkal

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Barbie Imperial naispatang magkasama sa South Korea?

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Barbie Imperial exclusively dating na sey ni Ogie Diaz