Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Huwebes, Hunyo 6, na 123 sa 342 examinees ang tagumpay na pumasa sa June 2024 Occupational Therapists Licensure Examination (OTLE).

Sa tala ng PRC, tinanghal na topnotcher si Chalie Jean Colina Niere mula sa Davao Doctors College, Inc. matapos siyang makakuha ng 82% score.

Kinilala naman ang University of the Philippines-Manila bilang top-performing school matapos itong makakuha ng 100% passing rate.

Binigay raw ng Board of Physical Therapy ang naturang pagsusulit nitong Hunyo 3 hanggang 4, 2024 sa mga testing center sa Metro Manila, Baguio,  Cebu, Davao, Iloilo, Legazpi, Pampanga and Rosales