Matapos maglabas ng opisyal na pahayag ang "It's Showtime" hosts sa pangunguna ni Vice Ganda tungkol sa lumaking isyu ng "pananakaw ng halik" daw ng searchee na si "Axel" sa searcher na si "Christine" ng segment na "EXpecially For You," nakiusap si Axel na huwag i-bash si Christine dahil siya ngayon ang binabalikan at pinupuntirya ng mga netizen.

Bago kasi magtapos ang Showtime nitong Martes, Hunyo 4, sinabi ni Vice Ganda na binabawi niya ang nauna nang pahayag sa X na hihingi siya ng tawad kay Axel matapos itong sitahin nang live sa national television, dahil sa ginawa nitong pagbeso kay Christine, na hindi umano katanggap-tanggap at puwede pang pagmulan ng demanda.

Ayon kay Vice Ganda, bagama't nauna nang naglabas ng pahayag sa TikTok si Christine na hindi umano siya nabastos sa ginawa ni Axel, umamin daw ito na talagang nailang siya sa ginawa ni Axel, batay sa kaniyang mga nasabi mga nakausap na Showtime staff.

Dahil dito, nanindigan si Vice Ganda na tama lang ang naging pagsita nila sa ginawa ni Axel.

Tsika at Intriga

'Nangangamoy-babaero!' Ricci, tameme sa pick-up lines ni 'Andrea'

MAKI-BALITA: Vice Ganda, binawi ang apology sa searchee na nanunggab ng halik

Sa X posts naman ni Axel, nanawagan siya sa mga netizen na huwag nang i-bash si Christine, dahil lumalabas daw na "nagsinungaling" ito.

"please stop bashing christine pinagtatangol nya lang po ako at sinasabe nya yung totoong nangyare, yung reaction nya po kasi nayon sa cam is awkward, kasi nakaupo po sya non at nakatayo ako. Mejo nahila ko sya kaya ganun naging reaction nya," aniya.

Sa isa pang X post, "I don't care how people judge me !!Because God knows me better ❤️"

Photo courtesy: Axel Cruz (X)