Ibinahagi ng BINI member na si Mikha Lim kung ano ang nakakapagpasaya sa kaniya at nakakapagpawala ng stress niya.

Sa ulat ng ABS-CBN News nitong Martes, Hunyo 4, sinabi ng BINI member na ang paglalaro umano ng volleyball ay itinuturing niyang happy pill at stress reliever.

Kaya naman, sa kabila ng abala niyang schedule ay pinili pa rin niyang lumahok sa ginanap na Star Magic All-Star Games 2024 sa Smart Araneta Coliseum.

"Siyempre, nakakapagod isipin. Pero volleyball has always been my happy pill, so kahit nakakapagod, it's like a stress reliever for me," saad ni Mikha.

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad

Dagdag pa niya: “So kahit nakakapagod, go lang nang go and laban pa rin."

Hindi naman maitatanggi ang ipinamalas niyang husay sa paglalaro ng naturang sports dahil nasungkit niya ang titulong “Best Setter.”

Samantala, ayon pa sa tsika ng showbiz insider na si Ogie Diaz, naging sentro umano ng atensyon si Mikha sa Smart Araneta.

MAKI-BALITA: BINI Mikha, tinilian sa Star Magic All-Star Games 2024

O, ‘di ba. Bongga!