Tatlong question mark ang reaksiyon ng award-winning actress na si Nadine Lustre matapos magkomento ang isang netizen sa Instagram post ng kaniyang boyfriend na si Christophe Bariou.

Sa isang Instagram post kasi ay ibinida ni Christophe ang pagkilala sa kaniya ng isang lifestyle magazine.

"I'm thrilled to share that I have been recognized as a Tatler Gen.T Leader of Tomorrow 2024 for 'spreading sustainability wherever he goes!'" aniya.

Dagdag pa niya, "Yes, this is a personal milestone, but what I am truly thankful to Tatler Gen T for is that this recognition will help shed light on all my advocacies: a plant-based lifestyle, animal rights, sustainability, and veganism in the Philippines."

Tsika at Intriga

'Nangangamoy-babaero!' Ricci, tameme sa pick-up lines ni 'Andrea'

Makikita naman sa comment section ang pagsuporta sa kaniya ng girlfriend na si Nadine.

Samantala, isang netizen naman ang nakapukaw sa atensyon ng netizen at maging si Nadine matapos nitong sabihing dapat daw ay maging grateful si Christophe dahil nakilala o sumikat siya dahil sa kasikatan ng GF.

"you should be grateful for having Nadine in your life," anang netizen.

Bagay na "kinuwestyon" naman ni Nadz.

Photo courtesy: Cristophe Bariou (IG) via Fashion Pulis

Anyway, hindi na makita sa comment section ang nabanggit na post.

Marami naman sa mga netizen ang nasasabik nang mapanood si Nadine sa big screen at telebisyon.