May reaksiyon ang anak nina Sharon Cuneta at Atty. Kiko Pangilinan na si Miel Pangilinan sa mga taong patuloy na sumisita sa kaniyang sexuality at panlabas na anyo.

Sa pamamagitan ng TikTok video, ipinakita ni Miel ang kaniyang reaksiyon lalo na sa mga may edad na "nasasayangan" sa kaniyang genes.

“'gen z are so sensitive' i’m a fat gay person just existing look at my comments😭 snowflakes!" aniya sa kaniyang caption.

Mababasa naman sa text caption niya sa video, sinusubukan lang naman daw niyang maging positibo sa social media subalit hindi pa rin talaga maiiwasang may ilang taong iniinsulto ang kaniyang pagkatao at hitsura.

Tsika at Intriga

Lotlot De Leon, inusisa gala ni Janine Gutierrez: 'Sino kasama mo?'

"trying to just kind of exist positively online and trying my best to stay in my lane," ani Miel.

"old people calling me what a waste of genes, constantly harassing me and insulting my appearance (i didnt do anything and if i say something they'll call ME the sensitive one," dagdag pa niya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at pahayag mula sa netizens.

"Why are they so toxic like 😭"

"You don't deserve it..."

"So insensitive people..."

"Don't waste your time with them."

Kamakailan lamang, sinabi ni Miel na isa siyang pansexual.

MAKI-BALITA: Miel Pangilinan, kinikilala ang sarili bilang pansexual