Nagbigay ng pahayag ang 19-anyos na anak ni GMA trivia master-TV host Kim Atienza na si Eliana Atienza matapos niyang masuspinde sa paaralan pinapasukan at paalisin sa dormitoryong tinutuluyan sa Amerika dahil sa pagpapakita ng suporta sa Palestine laban sa Israel.
Sa eksklusibong panayam ng TFC News nitong Lunes, Hunyo 3, sinabi ni Eliana na mahalaga umano ang paghahayag ng opinyon sa mga kalye at kalsada bilang anyo ng protesta.
"The right to protest, to be able to say what you want, to be out in the streets and voice your opinion is very important. Over 40,000 Palestinians are dead and now more than ever, the world needs to be angry," saad ni Eliana.
"We need to be able to critique the government, to critique the IDF because of exactly what's going on in Gaza right now,” wika niya.
Dagdag pa niya: "Once we stop critiquing and the world looks away, the destruction will continue."
Matatandaang nauna nang inilahad ni Kuya Kim na suportado niya si Eliana at ng kanilang buong pamilya kaugnay sa tindig nito sa pagitan ng Palestine at Israel.
MAKI-BALITA: Anak ni Kim Atienza banned sa dorm, paaralan sa US; anyare?