Pinagpipiyestahan sa social media ang screenshots ng umano'y komento ng aktres na si Barbie Imperial nang ikasal sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati noong Marso 2020.

Sa kumakalat na screenshots na hindi pa kumpirmado kung legit, makikitang masayang bumati ng congratulations si Barbie sa bagong kasal.

"Omg! Congrats ate Sarah! Best wishes," mababasang komento umano ni Barbie.

"thank you, Barbie," tugon naman dito ni Sarah.

Tsika at Intriga

Cat Arambulo trending sa X dahil sa baha, insensitive nga ba?

Ibinahagi sa iba't ibang social media pages ang nabanggit na screenshots kagaya na lamang sa "Trending Ngayon," "Great Finds," at maging sa sikat na online personality na si "Senyora."

"Ay bahala kayo jan," caption pa ni Senyora.

"Basta ako nakikibasa lang," dagdag pa niya.

Binalikan naman ng Balita ang March 14, 2020 Instagram post ni Sarah patungkol sa kasal nila ni Richard, na hanggang ngayon ay naroon pa rin at hindi pa binubura kahit "hiwalay" na sila.

Ngunit hindi natagpuan ng Balita ang sinasabing komento ni Barbie, bagama't marami na rin sa mga netizen ang na-curious at sinilip na rin ang post.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens:

"Asan yung comment?"

"Ahahahaha taas kamay na nandito kasi may hinahanap na comment char ahahahahaa"

"πŸ™Œ Me hahaha. Wala naman yung comment, di ko na makita"

"Nabudol na naman ako ni senyora πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚"

In fairness din, may ilang netizens pa ang umaasa na maaayos pa ng mag-asawa ang kanilang relasyon at magkabalikan pa.

"@richardgutz still can't get over 😒 @sarahlahbati baka kaya pa ayusin"

"we hope someday you'll meet again, when you're better to be with each other 🀍πŸ₯Ί @richardgutz @sarahlahbati"

Si Barbie ay laman ng mga balita kamakailan matapos ma-link kay Richard. Ang huli nga ay naispatan silang magkasama sa South Korea. Saad naman ni Ogie Diaz sa kaniyang showbiz vlog, "exclusively dating" na raw ang dalawa, na sitsit naman sa kaniya ng source.

MAKI-BALITA:Β Richard Gutierrez, Barbie Imperial naispatang magkasama sa South Korea?

MAKI-BALITA: Richard Gutierrez, Barbie Imperial exclusively dating na sey ni Ogie Diaz

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o komento si Barbie patungkol dito. Bukas ang Balita sa kaniyang panig.