Lubusan na raw pinapayagan sa social media platform na "X" (dating Twitter) ang pagpo-post ng X-rated content, ayon sa pagpayag dito ng CEO na si Elon Musk.

Sa ulat ng ABS-CBN News, sa pamamagitan ng Tech Crunch, inupdate umano ni Musk ang panuntunan ng X patungkol sa adult content.

Bagama't matagal na rin namang nakakapag-post ng adult content sa X (hindi gaya sa Facebook at Instagram na binubura agad), mas pinagtibay pa ni Musk ang pagpapahintulot na mai-post ang mga sexual content "as long as it is consensually produced and distributed adult nudity or sexual behavior."

Sa guidelines ng X, ang "sexual expression," visual man o pasulat, ay isang porma ng "artistic expression."

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Hindi naman mapapayagan ang panonood ng adult content kung ang X user ay isang bata, o adult na ayaw makapanood nito, depende sa setting.

Bukod sa mga aktuwal na akto ng mga tunay na akto, pasok din ang mga AI-generated content, animations, cartoons, hentai at anime.