Dinagsa ng tulong mula sa mga netizen at lokal na pamahalaan ng Malolos ang isang tatay na kasa-kasama ang dalawang maliliit na anak habang nasa isang footbridge, sa tapat ng isang mall sa nabanggit na lugar sa Bulacan.

Nag-viral ang kuwento niya dahil sa Facebook post ng isang nagngangalang "Rossiana Marie Clemente Bugayong." Aniya, nadaanan niya sa footbridge ang mag-aama. Inaya niya ang mga ito na sumama sa isang fast-food chain upang pakainin.

"Hindi kami pwede dyan ma’am, madudumi po kami," saad daw ng tatay na si Mang Reynaldo.

Subalit napilit siya ni Rossiana at habang kumakain, doon na napag-alaman ng netizen ang tungkol sa buhay ng tatay kasama ang dalawang mga anak.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

"Sabi pa sakin ni tatay 'bibili lang po ako ng gatas akala po nila mamalimos siguro kami.'"

"mas lalong kumirot puso ko nung nag share sya sa sitwasyon nya ngayon. 3 years old pa lang yung dalawang anak nya na kambal, Bulag na daw ang isang mata nya at palagi nyang kasama mga anak nya kasi takot daw sya mawala sakanila.

Yung asawa naman daw nya bagong opera kaya hindi din maka kilos. Nakahiga lang daw."

"Palagi daw sila nasa footbridge, para daw kahit papaano ay may pambili para sa mga anak nya. Wala akong masabi kay tatay, hindi ko kasi alam paano mag react sa mga kwento nya. Binigyan ko na lang kahit papaano, kahit kaunti. Makatulong lang sakanila. Pero ang iniisip ko, paano sila sa mga susunod?"

"First time ko lang po itong gagawin, hindi ko po pinost to para puriin ako sa ginawa ko. Hindi ko rin po pinost to para mag pasikat. Kayo na po bahala kung ano po ang iisipin nyo sakin. Ito lang din po kasi isa sa mga paraan na naiisip ko baka kahit papaano makatulong."

Panawagan ng nag-upload na netizen, "Gusto ko lang din po sana makiusap na pag nadaanan nyo po sila, kung ano lang po bukal sa kalooban nyo or kung gusto nyo lang po bigyan, bigyan nyo. Maliit man po or malaki, sobrang laking bagay na po sakanila nun. Kung makikita nyo lang po reaction ni tatay, hindi naman po super laki or super dami ng binigay ko, mararamdaman nyong sobra sobra na po sakanila yon. Hindi ko lang din po kaya makita yung mga anak nya na ganon pa lang kaliliit, ganoon na po nararanasan."

"Ang magulang talaga lahat gagawin para sa mga anak.."

Matapos mag-viral, nakarating sa kaalama ng kinauukulan ang kalagayan ni Mang Reynaldo kaya naman dumagsa ang tulong para sa kaniya.

Isang nagngangalang "Alexis Batang Malolos Cruz" ang nag-post ng update tungkol kay Mang Reynaldo, sa pamamagitan ng Facebook post.

"TULOY TULOY NA SERBISYO PARA SA MGA MALOLENYO. Umabot sa kaalaman ni DSWD Secretary REX Gatchalian ang trending post ni Maam Rossiana Marie Clemente Bugayong noong ika-23 ng Mayo, 2024 ukol kay Kuya Reynaldo Aduna ng Brgy. Caingin, lungsod ng Malolos at sa kaniyang dalawang anak. Ayon sa kaniyang post, 'Nakaramdam ako ng kirot sa puso' kung kaya ibinili niya ng pagkaen si Kuya Reynaldo at ang kaniyang mga anak."

"Agaran namang nagbigay ng direktiba si Sec. Rex na alamin ang katayuan ng pamilya ni Kuya Reynaldo upang mabigyan ng tulong. Kaya ngayong araw, ika-25 ng Mayo, 2024 sa pakikpag ugnayan kay Maam Lolit Santos, RSW ng Malolos City Social Welfare and Development Officer at Punong Barangay Robin Cruz ay tinungo namin ang tahanan ng pamilya."

"Sa pangunguna nila Maam Laraliza Tolentino Tayao at Maam Jozane R. Ordoñez mula sa SWAD Bulacan, nagkaroonng consultation at referral sa mga pangangailangan ni Kuya Reynaldo at ng kanilang pamilya. Binigyan din siya ng P 10,000.00 bilang Food Assistance. Buong puso namang naka asiste si Kap Robin Cruz, Mother Leader na si Maam Fhey Ry Lin at iba pang barangay volunteers para sa iba pang mga kakailanganing tulong ng pamilya."

"Matatandaan na nagviral din si Kuya Reynaldo sa post ni Sir Jeffrey Lobos noong November 5, 2023 sapagkat nakita nita niya nangabngailangan ng tulong ang 2 bata na may lagnat kung kaya, sa pakikipagtulungan sa City Social Welfare and Development Office ng lungsod ng Malolos ay agarang dinala ang mga bata sa Bulacan Medical Center (BMC) upang macheck up, x-ray at bigyan ng kaukulang atensiyong medical. Sa huli ay inihatid ang mag aama sa kanilang tahanan na may gamot at pagkaen."

"Noong December 28, 2023 naman ay pinagkalooban din ng Sangguniang Barangay Caingin Malolos ng nebulizer si Kuya Reynaldo para sa kaniyang mga anak," saad pa.