Hinihikayat ng mga netizen na papanagutin ni Kim Atienza ang admin sa likod ng TikTok account na "pumatay" sa kaniya upang magtanda at turuan ng leksyon.

Pinabulaanan mismo ng GMA trivia master at TV host ang mga kumalat na pubmats na sumakabilang-buhay na siya nitong Hunyo 3, 2024.

Ibinahagi ni Kuya Kim sa kaniyang Instagram post ang screenshot ng "announcement" ng kaniyang pagpanaw na kumakalat sa TikTok.

Nakakaloka dahil may logo pa ito ng GMA Integrated News kaya talagang kapani-paniwala.

Tsika at Intriga

Karanasan ni BJ Pascual kay Kristine Hermosa, naungkat dahil kay Denise Julia

"MARAMING SALAMAT

Alejandro "Kim" Iligan Atienza

January 24, 1967-June 3, 2024," mababasa sa pubmat.

Caption naman ni Kuya Kim dito, "Nope, not today."

Nagkomento naman ang ilang mga celebrity tungkol dito.

Sey ng singer-actress na si Rita Daniela, "Sobrang badtrip ako sa account na yan kuya. Naka off comment tapos iyong account niya sa TikTok, artists na pinatay niya.😡"

"Hahaha Kuya Kim ano neh? Ogag yan!" komento naman ni Arnold "Igan" Clavio.

Mungkahi naman ng isang netizen, "Couldn’t you sue those people, Mr. Kim? I mean, when can they be held liable and be punished?"

"Tama po kase grabe na. Sampolan dapat yang mga yan para madala po," sang-ayon ng isa.

"Kaya nga, anong klaseng 'freedom to bully' ang binibigay ng may-ari ng mga socmed platform na yan? Meron reporting pa kuno sila, in-place lang naman para lang masabi na nag-comply sa regulation, kasi hindi naman ginagawan ng action ang mga narereport. May law sa fake news, pero may nagawaran na ba ng punishment? Socmed is where bullies hangout," sey naman ng isa.

Pagpabor naman ng isa, "true,they should be punished for giving fake news."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Kuya Kim tungkol sa posibleng pagsampol niya sa legal na paraan patungkol dito.

MAKI-BALITA: Kuya Kim, ‘pinatay’