Gusto raw sana ni Ogie Diaz na sabitan ng money garland ang anak niyang nakapagtapos ng Junior High School dahil ito raw ang uso at nagba-viral ngayon. Gayunman, ang kauna-unahang concern niya raw ay ang mental health ng anak.

Sa isang Facebook post nitong Martes, ibinahagi niya ang pagtatapos ng kaniyang anak na si Georgina at dito nga rin niya sinabi na pinili niyang huwag nang sabitan ng money garland ang anak.

Magulang na nagsasabit ng money garland sa anak, isang jejemon— Gaza

“Gusto sana kitang sabitan ng money garland kasi yun ang uso ngayon at yun ang naba-viral, pero pinili kong wag na,” panimula ng talent manager.

“Unang-una, ang mental health mo ang concern ko.  Ayokong mag-grandstanding ang daddy mo. Kaya ko namang magpagawa ng maraming ganyan hanggang sa matabunan na ng pera ang mukha mo, pero ayaw kong pagtinginan ka ng mga kaklase mo at gusto kitang bigyan ng kahihiyan kahit hindi mo hingin. Ikaw naman ang iniisip ko, hindi ang kayabangan ko,” paliwanag ni Ogie.

“Ayokong gawin yong money garland viral, tapos, makikita ko lang na mapakla ang ngiti mo kasi hiyang-hiya ka sa pagpapapapansin ng daddy mo na gusto lang ma-viral,” dagdag pa niya.

Gusto raw niyang makita ang sincere na ngiti ng anak.

“Gusto kong makita sa mukha mo ang sincere na ngiti. Habang proud parents lang kami ng mama mo. Yun lang naka-graduate ka ay sapat na. At moment mo yan, hindi namin yan aagawin sa ‘yo,” ani Ogie.

KAUGNAY NA MGA BALITA: